Home SPORTS Abong ‘di nakitaan ng indikasyon na may sakit sa puso

Abong ‘di nakitaan ng indikasyon na may sakit sa puso

NAGLULUKSA ang National University at buong basketball community matapos pumanaw si Ashlyn Abong, 18, dahil sa cardiac arrest habang nasa ensayo.

Ayon kay NU Lady Bulldogs head coach Aris Dimaunahan, si Abong ay inaasahan sanang aangat sa seniors team ngayong season matapos ang stellar performance sa high school division.

Bago bumagsak, nakangiti pa raw si Abong matapos maka-shoot ng layup.

Dalawang hakbang lang pabalik sa depensa, bigla na lang itong nawalan ng malay sa harap ng kanyang coach.

Wala umanong anumang indikasyon ng sakit sa puso si Abong at nakapasa sa lahat ng medical exams para makapaglaro sa NU at Gilas Women.

Nagbigay na rin ng tulong ang NU sa pamilya Abong at nangakong pararangalan ang atleta sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang diploma.GP