OPISYAL nang inihayag ng FIBA na ang Pilipinas ang magiging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa taong 2027.
Muling magaganap sa bansa ang isang malaking continental basketball tournament matapos ang 14 na taon.
Huling ginanap sa bansa ang FIBA Asia Championship noong 2013 sa Mall of Asia Arena kung saan nagtapos ang Gilas Men bilang silver medalist matapos talunin ang Korea sa semis ngunit natalo sa Iran sa finals.
Ngayong taon, pagkakataon naman ng Gilas Women na sumunod sa yapak ng men’s team at makapagtala ng kasaysayan.
Layunin ng programa na mas mapaunlad ang women’s basketball sa bansa.
Isusulong din ng SBP at ng mga ahensya ng pamahalaan ang full support para sa paghahanda ng hosting, kabilang ang pagpapalakas ng grassroots program sa kababaihan.
Walang duda, malaking hakbang ito para sa Philippine basketball at isa na namang pagbangon ng women’s sports sa bansa.GP/JC