Home METRO PCG may paalala sa mga mangingisda sa tag-ulan

PCG may paalala sa mga mangingisda sa tag-ulan

269
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisda ngayong panahon ng bagyo na mag-ingat upang hindi malagay sa panganib ang kanilang pagpapalaot.

Ayon sa inilabas na paalala ng PCG: dapat alamin muna ang lagay ng panahon bago pumalaot; makinig sa radyo o TV ukol sa ulat-panahon; iwasang mangisda kung may bagyo o masamang lagay ng panahon; siguraduhing maayos ang makina at bangka; magdala ng lifejacket, flashlight, baterya, pito, at fully-charged cellphone; ipagbigay-alam sa barangay at lokal na opisyal ang inyong paglalayag; at iwasang pumalaot sa mga lugar na walang signal.

Paalala pa ng PCG sa mga mangingisda na huwag makipagsapalaran sa gitna ng panganib at laging tandaan muna ang kaligtasan bago ang kabuhayan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here