Home IN PHOTOS 5 arestado sa illegal na pagbebenta ng ‘di rehistradong vape online

5 arestado sa illegal na pagbebenta ng ‘di rehistradong vape online

208
0
Arestado ng NBI-NCR ang 5 katao dahil sa ilegal na pagbebenta online ng mga hindi rehistradong produkto ng vape sa Sta. Cruz, Maynila na labag sa Republic Act No. 11900.Nakumpirma ang operasyon sa pamamagitan ng surveillance, test-buy at verification mula sa Department of Trade and Industry (DTI). CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa illegal vape distribution sa Manila at nasamsam ang hindi rehistradong items na nagkakahalaga ng P8 milyon.

Ayon sa NBI, inaresto ng grupo ng NBI at Department of Trade and Industry (DTI) ang limang indibidwal sa entrament operation sa Santa Cruz, Maynila noong Hulyo 3.

Nakumpiska ang 25,657 vape products na may market value na P8,164,570.

Sinabi ng NBI na isa sa suspek ay iniulat na gumagamit ng media platforms sa merkado ng unregistered vape products, na lumalabag sa Vaporaized Nicotine at Non-Nicotine Products Regulation Act.

Samantala, ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa NBI-Security Management Division ay iniharap sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office ang limang naaresto sa paglabag sa Vaporized Nicotine at Non-Nicotine Regulation Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 gayundin ang paglabag sa Consumer act of the Philippines na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here