Home METRO Bagong LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Bagong LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

264
0

MANILA, Philippines — Isang bagong low-pressure area (LPA) ang nabuo sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA kaninang alas-8 ng umaga, nasa 1,935 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon ang LPA.

Idinagdag ng weather bureau na ang LPA ay may mababang tsansa na maging isang tropical cyclone.

Samantala, naunang iniulat ng PAGASA na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa buong bansa ang habagat ngayong Martes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here