Home METRO 1 sa 3 suspek sa panghoholdap ng convenience store sa Batangas, arestado

1 sa 3 suspek sa panghoholdap ng convenience store sa Batangas, arestado

257
0

BATANGAS, Philippines – Arestado and isa sa tatlong suspek na nangholdap sa isang convenience store sa Sto. Tomas, Batangas noong nakaraang buwan.

Sa CCTV footage na nakunan noong Hunyo 26, nakita ang mga suspek na pumasok sa convenience store na nagpanggap na mga customer at biglang bumunot ng baril at itinutok sa mga empleyado.

Nakita ang isa sa mga suspek na sinasaktan at sinisipa ang isa sa mga trabahador. Kinuha ng mga suspek ang pera ng convenience store at tumakas patungo sa direksyon ng Quezon Province.

Nagsagawa ng backtracking ang mga pulis sa CCTV footage at nakita ang tatlong suspek sa isang restaurant sa Candelaria, Quezon.

“Sa pag-backtracking at pag-review namin ng footages, I think, in Candelaria ay medyo nag-relax itong grupo. Palibhasa malayo na. Kumain sa isang restaurant. Nag-alis ng face mask, mga sumbrero,” ayon kay Sto. Tomas Police chief Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña.

“At nakita din natin sa CCTV footage na doon sila naghatian ng kanilang mga parte. At that time nakakuha tayo ng mga identity,” dagdag niya.

Naglunsad ng hot pursuit operation na humantong sa pag-aresto sa isa sa mga suspek na nakita sa CCTV footage na nananakit sa isang empleyado.

Nakuha rin sa kanya ang kamiseta na suot niya noong nangyari ang holdap.

Ayon sa ulat, umamin sa krimen ang naarestong suspek.

Isa pang convenience store aniya ang kanilang pinupuntirya ngunit may nakita silang ilang pulis sa lugar. 

“May pulis daw po na naka-duty. Bumalik ulit kami. Nandoon pa rin daw po kaya sa iba na lang po kami humanap ng holdup,” aniya.

Patuloy pa rin ang follow up operation para sa pagdakip sa dalawa pang suspek na nananatiling nakalaya.

Sinabi ni Police Regional Office 4A chief Police Brigadier General Jack Wanky na sunud-sunod na ang mga ganitong insidente sa kanilang lugar. 

“We have a series of robbery incident that happened in Laguna and going to Batangas and some parts in Cavite,” sabi niya.

“Siyempre kapag closing time alam mo na malaki ang collection ng kanilang benta. Nakita natin yung signature ng kanilang activity na seemingly this is the doing of one group,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here