Home ENTERTAINMENT Kumpirmado na: Kathryn at James, magtatambal!

Kumpirmado na: Kathryn at James, magtatambal!

279
0

Manila, Philippines – May nakarating sa amin na balita na after Pilipinas Got Talent (PGT), kung saan ay isa sa naging hurado rito si Kathryn Bernardo, ang susunod na proyektong gagawin niya sa Kapamilya network ay isang teleserye.

Yes, balik-teleserye ang award-winning actress. At ang balita namin, ang makakapareha niya ay si James Reid. At ang serye na pagbibidahan nina Kath at James ay kukunan pa raw sa ilang bahagi ng ibang bansa.

First time na magkakatrabaho sina Kathryn at James. Bagong putahe, ika nga.

Siguradong matutuwa ang mga faney ni Kath na muli na naman siyang mapapanood sa isang serye.

Ang huling serye na ginawa ng dalaga ay yung 2 Good 2 Be True, 2 years ago, na pinagtambalan nila ng ex na si Daniel Padilla.

Ang huling serye naman na ginawa ni James ay ‘yung Till I Met You noon pang 2016, kung saam katambal  niya rito ang dating ka-loveteam at karelasyon  na si Nadine Lustre. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here