MANILA, Philippines – Dalawa sa apat na suspek sa brutal na pagpatay sa 19-anyos na babae sa Tagum City ay mga menor de edad, kabilang ang isang 17-anyos na itinuturing nang pinakaanggulo sa krimen.
Nadakip ang 17-anyos at ang 14-anyos na suspek sa follow-up operation, kung saan nakuha rin ang ilang gamit ng biktima.
Ayon sa pulisya, inamin ng mga suspek na pinatay nila ang biktima matapos silang makilala nito habang ninanakawan ang kanilang bahay sa Barangay La Filipina.
Pinaplano nang sampahan ng kasong robbery with homicide ang 17-anyos, habang ang 14-anyos ay ipinaubaya sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) dahil sa kanyang edad.
Patuloy naman ang paghahanap sa dalawang iba pang suspek na kasabwat sa insidente kung saan nagtamo ng 38 saksak sa katawan at leeg ang biktima.
Nakilala ang mga menor de edad sa tulong ng CCTV footage ng kapitbahay na nakuhanan silang dumaraan bago ang krimen. RNT