Home NATIONWIDE Nagbebenta ng pekeng CAAP license, timbog sa Maynila

Nagbebenta ng pekeng CAAP license, timbog sa Maynila

214
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng National Bureau of Investigation – Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North) ang isang lalaki na nagpapakalat ng pekeng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) licenses.

Sa isang entrapment operation noong Hulyo 8, 2025 sa isang mall sa Maynila, nahuli si Eddie Bayotas Pleje matapos niyang ibigay ang pekeng CAAP license at certification bilang pilot at aircraft mechanic sa isang nagpanggap na kostumer. Kasama ang marked money na tatanggapin niya.

Ayon sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS), malaki ang panganib na dulot ng pagbebenta ng pekeng lisensyang ito, na maaaring magresulta sa aviation accident at makaapekto sa pambansang interes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here