Home NATIONWIDE Anti-Political Dynasty Bill inihain ng 3 senador

Anti-Political Dynasty Bill inihain ng 3 senador

261
0

MANILA, Philippines – Tatlong senador ang naghain ng panukalang batas sa darating na ika-20 Kongreso na naglalayong ipagbawal ang political dynasties sa Pilipinas.

Kabilang dito sina Robin Padilla, Panfilo “Ping” Lacson, at Francis “Kiko” Pangilinan kung saan layunin ng Anti-Political Dynasty Act na bigyan ng pantay na pagkakataon ang mga kwalipikadong Filipino na makapagsilbi sa pampublikong posisyon.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na pag-aaralan ang mga panukala.

Kamakailan, muling naisampa rin sa Kamara ang isang katulad na panukala na naglalarawan sa political dynasty bilang pamilya o klan na nagsama-sama ng kapangyarihan sa pamamagitan ng sabay o sunud-sunod na paghawak ng mga posisyon sa loob ng ikaapat na antas ng kamag-anak, at ipinagbabawal ang ganitong sabay o agarang pagkapalit sa posisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here