
MANILA, Philippines – Bilang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa Hague arbitral ruling noong 2016, muling iginiit ng Department of National Defense (DND) ang kahalagahan ng rule of law.
Ayon sa DND, para sa bansang tulad ng Pilipinas na isang arkipelago, ang paggalang sa batas pang-internasyonal ay hindi lamang prinsipyo kundi isang lifeline.






