Home ENTERTAINMENT Oyo, tinanggihan ang mana ni Bossing!

Oyo, tinanggihan ang mana ni Bossing!

246
0

MANILA – May bagong online show na ang aktres na si Dina Bonnevie na pinamagatang House of D, tampok din ang kanyang anak na si Danica Sotto, manugang na si Kristine Hermosa, at paminsan-minsan, ang manugang din niyang si Marc Pingris. Ang direktor? Walang iba kundi ang anak niyang si Oyo Boy Sotto.

Pero sa likod ng showbiz reunion na ito, may real-life drama rin—tinanggihan daw ni Oyo ang alok ng ama niyang si Vic “Bossing” Sotto na maagang ibigay ang bahagi ng kanyang mana!

Ayon sa kwento, nais daw sanang bumakas si Oyo sa production business ng kanyang ama, na kasalukuyang abala sa TVJ Productions at M-Zet. Ngunit pinakiusapan siya ni Bossing na “huwag muna ngayon.”

Imbes na tanggapin ang advanced inheritance, mas pinili nina Oyo at Kristine na maghanap ng ibang pag-iinvestan ng kanilang pera.

Hinala ni Dina, gusto lang daw protektahan ni Bossing ang anak sakaling malugi ang negosyong papasukin nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here