Home METRO 7 mangingisda, tiklo sa mga gamit pampasabog

7 mangingisda, tiklo sa mga gamit pampasabog

289
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Arestado ang pitong mangingisda na umano’y nagbabalak magsagawa ng dynamite fishing matapos silang mabisto sa isinasakay nila sa kanilang motorized bangka ng mga hinihinalang gamit sa paggawa ng dinamita sa bayan ng Pagudpud ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 11.

Ang mga naarestong suspek ay edad 48, 45, 49, 39, 25, 27, 27, pawang mga lalaki, residente ng naturang bayan.

Nabatid na ang mga personnel ng Pagudpud MPS (lead unit) kasama ang  ng Pasuquin  Maritime Law Enforcement Team at PCG Sub-Station Pagudpud ay nagsasagawa ng anti-illegal  fishing operation  nang mamataan nila ang mga suspek na may ikinakargang mga gamit sa motorized banca nila gaya ng: one (1) piece detonation cord; ten (10) detonation cords with inserted blasting caps; two (2) plastic 1.5-liter containers containing  alleged ammonium nitrate; one (1)  plastic 2-liter container containing alleged ammonium nitrate; two (2) plastic gallon containers containing alleged ammonium nitrate; one (1) 350 ml round glass bottle  containing alleged ammonium nitrate; one (1) 750 ml square glass bottle containing alleged ammonium nitrate; three (3) matchboxes marked “Royal”; one (1) unit motorized banca.

Hinihihalang ang mga naturang item ay gagamitin ng mga suspek sa paggawa dinamita na gagamiting nila sa kanilang pangingisda.

Dinala sa Pagudpud MPS ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here