Home METRO Kelot, nalibing nang buhay sa hinuhukay na balon

Kelot, nalibing nang buhay sa hinuhukay na balon

235
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 55-anyos na lalaki matapos na malibing nang buhay sa hinuhukay niyang  balon sa Laoag City ng lalawigang ito  kahapon, Hulyo 11.

Ayon sa pulisya, ang 55-anyos na biktima ay nasa loob ng hinuhukay na butas para sa ginagawang balon sa lupa ng kanilang kapitbahay nang biglang gumuho ang lupa at matabunan ang biktima sa lalim na 6 to 7 metro.

Agad na isinagawa ang retrieval operation ngunit ang biktima ay isa nang malamig na bangkay nang ma-retrieve ang katawan nito mula sa gumuhong hinuhukay na balon. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here