Home NATIONWIDE Voters’ registration sa Agosto para lang sa first-time voters, reactivation – Comelec

Voters’ registration sa Agosto para lang sa first-time voters, reactivation – Comelec

307
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chair George Garcia na ang pagbabalik ng voters’ registration mula Agosto 1 hanggang Agosto 10 ay para lamang sa mga first-time voter at para sa mga na-deactivate, para makalahok ang mga ito sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

“With such a short time … their applications might not reach the Election Registration Board (ERB) hearings and even if they applied, their applications might not be approved,” ani Garcia, sabay-sabing ang mga nais maglipat ng kanilang rehistro ay hindi papayagan sa registration period sa Agosto.

Ang ERB hearings ay isinasagawa para aprubahan o hindi payagan ang aplikasyon para sa voter registration, o mag-alis ng botante dahil sa kamatayan, bigong makaboto ng dalawang sunod na regular elections, at iba pang dahilan na naaayon sa batas.

Naunang itinakda ang voters’ registration mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 11, ngunit ipinagpaliban ito sa huling linggo ng Oktubre hanggang Hulyo 2026.

Naunang ipinaliwanag ni Garcia na hindi kailangan ng Comelec ng mas mahabang panahon ng pagpaparehistro kung ililipat ang petsa ng BSKE.

Ani Garcia, ang postponement ay dahil sa kanilang pag-aakala na ang halalan ay hindi itutuloy sa Disyembre 1, dahil sa pagratipika ng Kongreso sa panukala na nagtatakda ng four-year terms para sa mga halal na barangay officials, na nagpapalit sa kasalukuyang three-year terms.

Sa kaparehong panahon, sinabi ni Garcia na nananatili sila sa kanilang naunang inaasahan na magkakaroon ng isang milyong bagong botante na magpaparehistro.

“We estimated one million in 11 days, we are still sticking to that. Registration will be done throughout the Philippines,” anang opisyal.

“We hope that those who have not voted will be interested in registering or reactivating. This is their opportunity to register and vote,” dagdag ng Comelec chief.

Ang BSKE ay nakatakdang isagawa sa Disyembre 1. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here