Home NATIONWIDE Wala nang backlog sa balikbayan boxes – BOC

Wala nang backlog sa balikbayan boxes – BOC

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes na wala na itong backlog sa mga abandoned balikbayan boxes matapos maihatid ang mga ito sa kanilang mga dapat na pagbigyan.

“Maibabalita po natin ‘no, sa ngayon ay zero backlog na po tayo pagdating sa mga balikbayan boxes na aming dinatnan dito. So, wala na po tayong mga balikbayan boxes na hindi pa po nadi-deliver sa ating mga OFWs,” pahayag ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo sa PTV noong Biyernes, Oktubre 2.

Noong Mayo, nagsampa ang BOC ng criminal complaint sa Department of Justice laban sa cargo firm na Makati Express Cargo, Inc. (MECI) dahil umano sa pag-abandona sa 36,826 balikbayan boxes.

Samantala, umaasa si Bendijo na mas mapapabuti ang serbisyo at tulong sa mga OFW kaugnay ng kanilang balikbayan boxes matapos lumagda ang BOC at Commission on Filipinos Overseas ng memorandum of agreement noong nakaraang buwan.

“Ito naman pong ating mga agreement na ganito ay looking forward ‘no, sana po ay wala na pong maulit na ganoon na naaabusong mga OFWs,” aniya.

“Sana po lahat ng kanilang mga sakripisyo, lahat ng kanilang mga balikbayan boxes ay makakarating nang maayos at mabilis sa kanilang pamilya dito sa ating bansa,” dagdag ni Bendijo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here