Home METRO License plate tracker app, inilunsad ng LTO

License plate tracker app, inilunsad ng LTO

323
0

MANILA, Philippines – Maaari ng suriin ng mga may-ari ng motorsiklo ang status ng kanilang mga nakabinbing plaka simula Miyerkules sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO) tracker application, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Martes, Hulyo 15.

Sa isang press conference, sinabi ni Dizon na ang license plate tracker system ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng eGovPH application na makukuha sa Google Play at App Store.

“This app will be available on eGov starting tomorrow. So, puwede na silang pumunta ulit sa LTO at i-click nila ang LTO tracker. Ilagay nila ‘yung kanilang either plate number or MV file number,” ayon kay Dizon.

“Malalaman na nila kung nasaan ‘yung kanilang plaka,” dagdag niya.

Maaaring piliin ng mga may-ari ng motorsiklo na ihatid ang kanilang mga plaka sa pamamagitan ng isang courier, ayon kay Dizon. Maaari din nilang kunin na lang ang kanilang mga plaka sa kani-kanilang LTO district offices.

Ito ay inihayag kasunod ng pagkumpleto ng mahigit 5.4 milyong backlog sa produksyon ng plaka ng LTO para sa mga motorsiklo.

“As of this year, it was cut down to 5.4 million. Officially, we are here to announce we have already produced 5.4 million motorcycle plates, which effectively eliminates the backlogs,” saad ni Dizon.

Ang pinakamataas na backlogs sa motorcycle plates ay naitala sa Luzon na may humigit-kumulang 2.4 milyon, sinundan ng Metro Manila na may 1.4 milyon, Mindanao na may 992,000, at ang Visayas na may 672,000.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon Reyes na matatapos ang pamamahagi ng 5.4 milyong motorcycle plates sa Oktubre.

“Ang target po natin is sometime in October siguro 100% na tayo. By October this year, yun pong 5.4 million na distribute na po ‘yan nationwide,” he said. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here