Home METRO P28M ‘puslit’ na yosi, nasabat sa Cavite

P28M ‘puslit’ na yosi, nasabat sa Cavite

183
0
Image Representation Only

MANILA, Philippines – Nasabat ng awtoridad ang P28 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa isinagawang buy-bust operasyon ng Trece Martires Component City Police Station (CPS) at Bureau of Custom (BoC) na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang katao sa isinagawang buy-bust operation sa Trece Martires City Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang mga suspek n sina Al Jamir Alkaris, 32 ng Brgy. Milagrosa, Carmona City, Cavite; at Zhang Pexin alyas “Bayaw” na residente Brgy. Hugo sa Trece Martires City.

Sinabi ng mga pulis na narekober sa mga suspek ang humigit kumulang sa 800 master cases ng iba’t-ibang brand ng ipinuslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P28,000,000.00; P140,000.00 halaga ng buy bust money; P1.4 million na iba’t-ibang denominasyon na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal trade, cellphones, itim na sling bag, mga identification card; mga ban transaction, isang susi, isang unit ng kulay puti na Toyota Hi Ace at limang unit na winged container van receipt.

Nakatakdang kasuhan ang mga naarestong suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here