Home ENTERTAINMENT Sarah, nahuling nakakandong sa boylet!

Sarah, nahuling nakakandong sa boylet!

275
0

Manila, Philippines- Pumutok noon ang balitang nali-link si Sarah Lahbati kay Marty, anak ng House Speaker na si Martin Romualdez.

Sa isang panayam, pinabulaanan naman ng aktres ang nasabing tsika.

Ayon kay Sarah, single daw siya ngayon at mas focused siya sa kanyang trabaho at sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Dagdag pa niya, maayos daw naman ang co-parenting agreement nila ng estranged husband na si Richard Gutierrrez lalo na sa pag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Kai at Zion.

Pero, ano itong naiskup ng ilan tungkol sa kumalat na litrato kung saan huli raw ang aktres na nakakandong sa isang lalake sa isang ganap?

Sa ngayon, palaisipan pa rin sa ilang netizens kung sino ang maswerteng lalaking kinandungan ni Sarah.

Naitsika rin ito ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan nagbigay siya ng clue sa identity ng misteryosong guy.

“Kasi may nag-post na isang friend ni Sarah. Siguro natutuwa sa kanila. Dahil si Sarah nakakandong do’n sa lalaki. Pinost ni Natalia Ortega,” ani Ogie.

“So, sinasabi na isang Ortega din ito. Siguro ‘yong Natalia saka itong Ortegang ito, magkamag-anak,” pahabol niya.

Sey naman ng talent manager turned vlogger, wala raw naman siyang nakikitang masama kung ma-in lababu sa iba si Sarah dahil meron na rin daw namang Barbie Imperial ang ex nitong si Richard Gutierrez.

Hirit pa niya, for sure, maging si Chard daw ay matutuwa kung malamang may bago nang lovelife ang dating partner.

“Sino naman tayo para kumontra, ‘di ba, e lovelife naman ‘yan ni Sarah Lahbati. Deserve naman niya ‘yan,” esplika niya.

Well, kami man ay nagwi-wish na sana ay matagpuan ni Sarah ang lalakeng meant for her.

As of this writing, mum pa rin naman ang aktres hinggil sa isyu ng kanyang lovelife. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here