MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagkasawi ng isang kasambahay na sinasabing nahulog mula sa mataas na palapag ng condominium sa Tondo, Maynila.
Tinatayang nasa edad na 30 hanggang 35 ang biktima na padapang lumagapag sa sahig.
Sa inisyal na imbestigasyon, napansin ng ilang tao sa lugar ang biktima na pabulusok mula sa gusali.
Sinasabing housekeeping employee ang biktima at nakatira sa Jacinto Street sa Tondo.
Nagpapatuloy naman ang pagsisiyasat ng MPD sa insidente para matukoy ang dahilan ng insidente.
Inaalam din ng pulisya kung may mabigat itong pinagdadaanan na maaring nagbunsod ng isang malagim na insidente. (Jocelyn tabangcura-Domenden)