Home OPINION MENTAL HEALTH WASAK SA PAGKABAON SA ONLINE GAMBLING

MENTAL HEALTH WASAK SA PAGKABAON SA ONLINE GAMBLING

293
0

NAPAKALAKING problema ang kinakaharap ng ating bansa sa isyu ng online gambling operations kaya naman pinag-uukulan ito ng pansin ng ilan nating mambabatas.

Ang solusyon ng iba ay gawin ang total banning para mailayo sa addiction ang mga parokyano nito lalo na ang mga ordinaryong Pilipino.

Aba, saan ka ba naman nakakita ng jeepney driver at bus driver na nagsusugal gamit ang kanilang cellphone habang nagmamaneho? Nag-viral sa social media ang kwentong iyan.

Accessible kasi para sa lahat ang digital na sugal dahil sa halagang P100 ay ‘mababaon’ ka na este makapaglalaro ka na dahil kabilang ito sa ‘feature’ ng isang sikat na e-wallet platform, he-he-he. Alam ba ninyong sa platform ng online na pasugalan, maaari mong pasinungalingan na ikaw ay nasa edad na 21 pataas? Ang edad na ito ang tamang gulang na pinapayagang maglaro sa mga casino at online gambling bilang parte ng kanilang responsible gaming.

Iyan ang sinasabi nating problema. Take note, legit na online gambling ang pinag-uusapan natin, mayroon din kasing iligal na online sugal application na patuloy na bumibiktima sa ating mga kababayan. Matindi ito kasi pwede silang mandaya o hindi magbayad ng panalo.

Habang tayo ay namimili ng gulay kamakailan sa isang palengke sa Divisoria, personal nating naaktuhang naglalaro ang isang tindera. “Minsan lang po akong manalo dito”, iyan ang kanyang tugon matapos nating tanungin kung nanalo na ba siya ng malaki habang binabalot ang mga binili kong kamatis. Muntik pa siyang mainis dahil wala siyang panukli sa aking P500, nag-suggest tayo na i-transfer na lang niya ito sa aking e-wallet account, he-he-he “Sir naman, panlaro ko po itong nasa @@@@ ko, ikaw talaga sir, wait lang po at magpapapalit lang ako.” ‘Joke’ lang natin yun syempre, gusto lang nating obserbahan ang ‘behavior’ ng ating kababayan. Baka tayo pa ang masisi kung sakaling maligwak ang natitira niyang pera sa kanyang account.

Tulungan ninyo akong mag-analyze, kung araw-araw na naglalaro si Ateng tindera at nananalo siya ng P100 kada-araw, may kukubrahin siyang P3000 sa loob ng isang buwan. Papaano kung kabaligtaran ang mangyari? Paano kung pati puhunan ng paninda at ipon niya ay maubos? Siguradong malaki ang epekto nito sa kanyang mental health.

Ituloy natin ang pagtalakay sa mga susunod na kolum.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here