Home OPINION IMPEACHMENT COURT VS SUPREME COURT

IMPEACHMENT COURT VS SUPREME COURT

334
0

USAP-USAPAN ngayon na posibleng simulan na ng mabubuong Impeachment Court o IC ang paglilitis sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Agosto 4, 2025.

Ayon na rin ito kay Senator Joel Villanuva.

Bago pa mangyari ito, inaasahang manunumpa na ang lahat ng hindi pa nakapanumpang senador bilang Senador-Hukom sa tatayong bagong Senate President.

Kung sino ang magiging Senate President sa mga darating na araw sa gitna ng mga gapangan ngayon para rito, wala pang nakatitiyak.

Bagaman sinasabi ni Sen. Jinggoy Estrada na nakalalamang na si Sen. Chiz Escudero sa bilang ng mga suporter, malalaman natin bago ang oras ng State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kung sino sa kina Escudero at Senator Tito Sotto ang mananaig.

‘Yun bang === bago mag-28 ng Hulyo 2025 o mismong sa araw na ito lalo’t dapat may tatayong Senate President sa araw mismo ng SONA.

MGA GUSOT

Usap-usapan din na hangga’t walang Temporary Restraining Order o TRO mula sa Supreme Court (SC) laban sa Senado o Impeachment Court mismo, dapat na umanong ituloy ang paglilitis kay VP Sara.

Ito ang isinusulong ng mga kongresista atat na atat na maganap na ang paglilitis.

Dugtong ng iba, may TRO man o wala ang SC laban sa IC, dapat na ituloy pa rin ng IC ang paglilitis dahil magkahiwalay at magkaiba ang dalawa bilang Korte.

Ito’y dahil sue generis o kakaibang Korte ang IC at hindi pupwedeng saklawin o pangibabawan ng SC ang kapangyarihan at hurisdiksyon nito dahil higit na pampulitika at hindi panghukuman ito.

Isang ng pagkakaiba ng SC at IC ang kung nagdesisyon ang IC, hindi na pupwedeng pakialaman pa ng SC.

Maliban lang kung may “grave abuse of discretion” ang IC sa pagdedesisyon, ayon sa ibang mga hukom o abogado gaya ni dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales.

Pupwede rin umanong mangyari na desisyunan mismo ng IC na magbigay ng respeto sa SC na kumikilos na para sa paglilinaw kung pupwedeng umusad o hindi ang paglilitis.

Kaya naman, kung hindi makagawa ng desisyon ang SC sa mga isyung ligal at konstitusyonal na inirereklamo ni VP Sara ayon sa pansamantalang kalendaryong simula ng paglilitis sa Agosto 4, kailangang maghintay ang IC ng tamang panahon para sa karampatang aksyon.

Kapag sinabi naman ng SC na nalabag ang 1-year ban rule o pagbabawal sa impeachment, tapos na ang usapan at sa susunod na taon muli pupwedeng magsampa ang mga kongresman ng impeachment at maghuhubad ang mga Senador-Hukom ng kanilang mga damit bilang Hukom.

Tadhana ang isang taong pagbabawal ng 1987 Constitution sa Section 5, Article XI na nagsasabing, “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one year.”

Ano nga kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw bago mag-Agoto 4, 2025?

Mag-abang na lang tayo, mga Brod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here