Home METRO HFMD sa NegOcc, sumirit sa 1,111 kaso

HFMD sa NegOcc, sumirit sa 1,111 kaso

207
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Negros Occidental ng 1,111 kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) mula Enero 1 hanggang Hulyo 12, mas mataas ng 346% kumpara noong nakaraang taon, ngunit nananatiling “manageable” ang sitwasyon, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

“We still have cases, but these are manageable,” ani Dr. Ma. Girlie Pinongan, provincial health officer, at idinagdag na karamihan sa kaso ay mga batang edad 1 hanggang 10.

Nanguna ang Bago City na may 319 kaso, sinundan ng Cadiz City na may 143.

Nanawagan ang PHO sa mga magulang na turuan ang mga bata ng madalas na paghuhugas ng kamay, iwasang hawakan ang mukha, at linisin ang mga gamit na pinagsasaluhan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here