Home NATIONWIDE 61 utas sa nasunog na mall sa Iraq

61 utas sa nasunog na mall sa Iraq

228
0

IRAQ – Nasawi ang hindi bababa sa 61 indibidiwal, kabilang ang mga bata, matapos lamunin ng apoy ang bagong bukas na Corniche Hypermarket Mall sa Kut, silangang Iraq, nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa mga opisyal.

Nasagip ng civil defense ang mahigit 45 katao ngunit ilan ay nananatiling nawawala.

“Tinitiyak namin sa mga pamilya ng mga biktima na hindi kami magpapabaya sa mga may sala,” pahayag ni Gobernador Mohammed al-Mayyeh, na nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa at nagsampa ng kaso laban sa may-ari ng gusali at ng mall.

Iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at inaasahang ilalabas ang paunang resulta sa loob ng 48 oras.

Inatasan ni Prime Minister Mohammad Shia al-Sudani ang agarang hakbang para maiwasan ang pag-ulit ng insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here