Home NATIONWIDE PH scientists umaray sa kapos na suporta ng gobyerno sa science at...

PH scientists umaray sa kapos na suporta ng gobyerno sa science at tech

337
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang grupo ng mga siyentista na nananatiling kulang sa pondo at nahuhuli ang sektor ng agham at teknolohiya ng bansa kumpara sa ASEAN at pandaigdigang pamantayan.

Ayon sa Advocates of Science and Technology for the People (Agham), 0.32% lamang ng GDP ng Pilipinas ang napupunta sa research and development (R&D), malayo sa 1% na rekomendasyon ng UNESCO.

“Even if we’re seeing a slight upward trend, we are still three times lower than the minimum UNESCO recommendation,” ayon kay Bea Panlaqui ng Agham.

Patuloy ding bumababa ang pondo para sa R&D: ₱20.3 bilyon noong 2022, ₱19 bilyon noong 2023, at ₱18.2 bilyon noong 2024, habang mahigit 50% ang ibinawas sa panukalang badyet para sa 2025.

Mababa rin ang research output ng bansa—6,870 papel lamang noong 2022 kumpara sa ASEAN average na 16,568. Nanatili rin ang “brain drain” dahil 19.6% lamang ng science graduates ang nagtatrabaho sa sektor habang marami ang lumalabas ng bansa.

Binanggit din ng grupo ang mahinang STEM education, mababang ranggo sa math at science, at mababang sahod at job insecurity ng IT professionals kahit lumalawak ang digital adoption.

“Budgets are slashed, advice is dismissed, and workers are overworked and underpaid,” ani Panlaqui, sabay panawagan sa gobyerno na maglaan ng sapat na pondo at proteksyon para sa agham, inobasyon, at manggagawa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here