Home NATIONWIDE ‘Libreng Sakay’ program ni VP Sara, tatakbo ‘gang matapos  termino 

‘Libreng Sakay’ program ni VP Sara, tatakbo ‘gang matapos  termino 

286
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Office of the Vice President (OVP) na ang “Libreng Sakay” program, na naglalayong tulungan ang mga mananakay sa pamamagitan ng karagdagang public transportation services sa panahon ng rush hour, ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang termino ni Vice President Sara Duterte kahit pa maliit ang budget.

Sinabi ni OVP spokesperson Atty. Ruth Castelo na sa ngayon, mahigit sa dalawang milyong mananakay na ang natulungan ng nasabing programa.

Sa katunayan, noong nakaraang taon, may isang milyong pasahero ang gumamit ng free shuttle service.

“Even if we cannot sustain it anymore, itutuloy pa rin natin kasi ito yung serbisyo na pinakadirektang nakaka-affect… Alam mo yung instant benefit doon sa sasakay, ‘di ba?,” ang sinabi ni Castelo.

“Nag-start siya ng August 3, 2022. Hanggang sa last day ng term ni Vice President Duterte, meron pa ring patatakbuhin na Libreng Sakay,” aniya pa.

Ipinahayag pa ni Castelo na gumagastos ang OVP ng P180,000 kada buwan sa bawat isang bus para sa siyam na bus na bumi-biyahe sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sakop ng nasabing halaga ang operational expenses gaya ng gasolina at maintenance sa mga nasabing bus—dalawa ang binili ng OVP habang ang pito naman ay sa ilalim ng usufruct agreement sa mga may-ari.

Binigyang-diin pa ni Castelo ang pangangailangan para sa programa, tinukoy na ang mga bus terminal ay puno sa kapasidad na may waiting passengers “as early as 4 a.m.”

Sa katunayan, aniya, nag-aplay ang OVP sa Department of Transportation (DOTr) para payagan ang mga bus na i-extend ang operasyon nito mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 9 p.m., mula sa orihinal na 4 a.m. hanggang 10 a.m. at 4 p.m. hanggang 10 p.m.

“Kasi dun sa study, merong mga, marami na din pasahero ang 4 o’clock,” ang pahayag nito, sabay sabing, “So, yung mga gusto na earlier ang alis ng bahay, we have the 4 to 10, but we will still need the final study. It’s a recommendation.”

Idinagdag pa niya na ginagalugad at pinag-aaralan nila ang mga lungsod at mga lalawigan na nangangailangan ng free shuttle rides.

“But we encourage din the cities and municipalities and especially those in the provinces kung meron silang need for this service, magsabi sila sa OVP at (let the OVP know and) we will be very happy to coordinate with them,” ang sinabi pa ni Castelo.

Samantala, ang programa ay kasalukuyang may siyam na bus na naka-deploy sa iba’t ibang lugar gaya ng Metro Manila, Cavite, Bacolod, Cebu, Davao, at Tacloban. Kris Jose 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here