Home NATIONWIDE Higit 100 Pinoy, istranded sa scam hubs – DFA

Higit 100 Pinoy, istranded sa scam hubs – DFA

241
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang rescue at repatriation efforts nito sa mahigit 100 Filipino human trafficking victims na na-stranded sa scam centers.

Hanggang nitong Hulyo 7, may kabuuang 118 Filipino ang nananatiling nangangailangan na mapauwi mula sa apat na bansa, kabilang na ang 75 sa Myanmar, 30 sa Thailand, 7 sa Laos, at 6 sa Cambodia.

“Among those in Myanmar, 14 individuals are being processed for transfer,” ayon sa DFA.

Tiniyak naman ng departamento sa publiko na ang Philippine embassies sa rehiyon ay nakikipag-ugnayan sa lokal na awtoridad para mapadali ang pagliligtas at mapalawig ang agarang tulong.

“We remain committed to the rescue and repatriation of all Filipino HTVs (human trafficking victims) that are working in illegal call centers in the region. We call on all our kababayans, including our Filipino communities abroad, to support all efforts to prevent all modes of recruitment and victimization of our Filipino nationals in schemes that lead to forced criminality and participation in scamming operations,” ang nakasaad sa kalatas ng DFA.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, 2025, sinabi ng DFA na tinugunan na nito ang 480 trafficking-related assistance-to-nationals (ATN) cases sa rehiyon.

Kabilang dito ang 304 kaso sa Thailand, 110 kaso sa Cambodia, 61 kaso sa Laos, at 5 kaso sa Myanmar. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here