Home NATIONWIDE Talamak na bentahan ng sanggol, ikinabahala ng CHR

Talamak na bentahan ng sanggol, ikinabahala ng CHR

257
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa agarang aksyon laban sa human trafficking ng mga bata, na tinawag nitong “matinding paglabag sa karapatang pantao.”

Kabilang sa rekomendasyon ang mas mahigpit na pagbabantay sa online platforms, pagpapalakas ng imbestigasyon, at mabilis na pagpaparusa sa mga salarin, sa gitna ng mga kaso ng pagbebenta ng bata—kabilang ang isang sanggol—na naitatala.

Binigyang-diin ng CHR na labag sa batas at sa UN Convention on the Rights of the Child ang pagbebenta ng bata, kahit ng sariling magulang.

Paalala nito, dumaan sa tamang proseso ng pag-aampon sa ilalim ng RA 11642.

“Protecting our children is a collective duty. No child should ever be bought, sold, or treated as a commodity,” dagdag ng CHR. Santi Celario

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here