Home NATIONWIDE 17 mangingisda nasagip ng PCG sa Bajo de Masinloc

17 mangingisda nasagip ng PCG sa Bajo de Masinloc

224
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 mangingisda malapit sa Bajo de Masinloc matapos masira ang propeller ng kanilang bangka, FB Cassandra, dahil sa lumulutang na troso, ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela nitong Biyernes.

Tumugon ang BRP Teresa Magbanua sa distress call noong Huwebes at hinila ang bangka sa gitna ng malalakas na alon, habang stranded ito sa lugar na tinukoy bilang posibleng bagsakan ng rocket mula sa test launch ng China.

Agad namang binigyan ng lunas ang isang tripulanteng may altapresyon. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here