Home ENTERTAINMENT Liza, balak magdirek!

Liza, balak magdirek!

138
0

Manila, Philippines – Mukhang ibang career path naman ang gustong tahakin ni Liza Soberano.

Ayon sa mga netizens, very telling daw ang set visit ni Liza habang kinukunan ang eksena ng naging ka-close niyang si Maris Racal.

Hindi lang daw kasi pangkaraniwang set visit ang ginawa ni Liza sa shoot ng pelikulang Sunshine directed by Antoinette Jadaone.

Bale ba, kabado si Maris dahil nagbabad daw talaga si Liza habang kinukunan ang motel scene nito.

What made Maris even more edgy ay ang “nagmumurang” kagandahan ni Liza.

Bagama’t tensyonada, Maris was able to pull it off.

Feeling naman niya’y na-impress niya si Liza with her acting.

Proof of this ay ang reaksyon daw ni Liza na tango nang tango—senyales na pasado ang kanyang performance.

Duda tuloy ng mga nasa set, isa si Liza sa mga producer ng Sunshine.

Pero tila pinag-aaralan lang daw ng dating Kapamilya actress what it’s like to direct.

So “Direk Liza” na ang gusto niyang itawag sa kanya?

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here