Home ENTERTAINMENT Pokwang, sinabon si Fyang!

Pokwang, sinabon si Fyang!

349
0

Manila, Philippines – Nag-react si Pokwang sa nag-viral na video kung saan quoted si Fyang Smith sa pagsasabing walang makakatalo sa batch nila sa PBB Gen 11 kung saan siya ang tinanghal na ultimate winner.

Lumalabas kasing most watched ang kanilang edition dahil humamig ito ng 2.2 million concurrent views kumpara sa natapos na PBB Celebrity Collab edition na nakapagtala ng 1.5 million concurrent views sa YouTube at free TV during the Big Night.

Talak ni Pokwang: “My God iha, 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha, yan muna ang pag-aralan.

Naka-ilang PBB season na ang nasaksihan ko pero iilan na lang silang active sa showbiz so iha, please wag muna magyabang, bad ‘yan.”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang sinabi ni Pokwang.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers:

“I think Fyang is just misunderstood.”

“Maganda naman si Fyang. I’ll give her that. Puwede siya magmodel. Stay still and stay quiet.”

“I’m with Pokwang on this HAHA.”

“Bet ko ang pagsawsaw momshie Pokie, laveet.”

(Archie Liao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here