MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa mga major lotto jackpot nitong Biyernes, Hulyo 18, 2025, inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang bettor ang pumili ng panalong kumbinasyon ng 19-16-01-54-12-46 para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P233,048,782.00.
Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na P8,910,000.00, na may number combinations ng 05-09-38-03-16-17. RNT/MND