Home HOME BANNER STORY 769 pamilya sa Cagayan, Nueva Vizcaya inilikas sa bagyong Crising

769 pamilya sa Cagayan, Nueva Vizcaya inilikas sa bagyong Crising

289
0

MANILA, Philippines – Nasa 2,410 katao mula sa 769 pamilya sa Cagayan at Nueva Vizcaya ang inilikas nitong Sabado, Hulyo 19, dahil sa pagbaha at banta ng landslide sa malakas na ulan dahil sa Severe Tropical Storm Crising.

Sa briefing ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC), iniulat na ang nakapagtala ang Cagayan ng 762 apektadong pamilya o 2,399 katao, habang ang Nueva Vizcaya naman ay mayroong pitong pamilya o 11 katao.

Wala namang ipinasang datos sa ngayon ang Isabela, Quirino at Batanes.

Sa mga inilikas na pamilya sa Cagayan, 263 pamilya o 816 katao ang inilikas mula sa flood-prone areas.

Mayroon namang isang bahay na tuluyang napinsala, at dalawa iba pang tirahan ang ‘partially damaged’ mula sa Baua, Gonzaga, Cagayan dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here