Home NATIONWIDE Bus driver sa malagim na banggaan sa Laguna ipinatawag ng LTO

Bus driver sa malagim na banggaan sa Laguna ipinatawag ng LTO

267
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon ang drayber ng Ankai passenger bus na sangkot sa malagim na banggaan na kumitil sa buhay ng tatlong indibidwal sa San Pablo City, Laguna nitong Sabado ng umaga, Hulyo 19.

Sa pahayag ng LTO, batay sa report ng pulisya, binabagtas ng Ankai passenger bus ang Maharlika Highway Corner 7 up road at Soledad Santisimo Road intersection sa Brgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna, nang makabanggaan nito ang isang Mitsubishi Montero.

Nasawi ang tatlong pasahero ng Montero sa insidente, habang ang iba pa, kabilang ang drayber ay nagtamo ng pinsala sa katawan.

Ayon kay LTO Calabarzon regional director Elmer Decena, kailangang humarap ang drayber sa ahensya at ipaliwanag “why his license should not be revoked for reckless driving and posing a danger to public safety.”

“This is part of our mandate to hold accountable those who endanger lives on the road,” ani Decena.

Idinagdag pa niya na ang “driver must explain why he should not be considered an improper person to operate a motor vehicle.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here