Home NATIONWIDE P4M halaga ng tulong ipinamahagi sa mga apektado ng Habagat, bagyong Crising...

P4M halaga ng tulong ipinamahagi sa mga apektado ng Habagat, bagyong Crising – DSWD

287
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado, Hulyo 19, na nasa P4.1 milyong halaga ng humanitarian aid ang naipamahagi na sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Crising at Southwest Monsoon o Habagat.

Sa news forum, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na mahigit 68,000 pamilya o 215,000 indibidwal sa Regions 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), MIMAROPA, 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), at 9 (Zamboanga Peninsula) ang naapektuhan ng masamang panahon kung saan nasa 5,400 pamilya ang tumutuloy sa evacuation centers.

Ani Dumlao, ang DSWD ay mayroon pang mahigit na P2.9 bilyong standby funds at stockpiles na binubuo ng Quick Response Funds (QRF) at nasa tatlong milyong family food packs na nakakalat sa bansa.

“Patuloy pa rin po ‘yung production ng ating mga FFPs (family food packs) sa National Resource Operations Center (NROC) at sa Visayas Disaster Response Center (VDRC). Kung kaya nga po kung kinakailangan mag-replenish tayo ng mga stockpiles natin sa ating mga regional warehouses and in the last miles, agad po natin magagawa ‘yan sapagkat tuloy-tuloy ‘yung ating production sa ating mga major hubs,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here