Home OPINION TAMA SI MANANG IMEE SA TANTOCO ISYU

TAMA SI MANANG IMEE SA TANTOCO ISYU

311
0

MAKARAANG naging kontrobersyal ang pagkamatay ni Paolo Tantoco sa Bereverly Hills Hotel, Beverly, California, United States, sinabi ni Senator Manang Imee Marcos na pinakamahalaga ang Beverly Police report para malaman ang totoo.

Kabilang sa mga naging kontrobersya ang naging sanhi ng pagkamatay ni Tantoco ngunit naging malinaw na ito makaraang maglabas ng medical report ang Coroner na nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay.

Sinabing namatay ito sa accidental death bilang epekto ng cocaine at pagkakaroon ng sakit sa puso ng biktima.

Kaugnay nito, wala na tayong masasabi pa kundi respetuhin ang pananahimik sa isyung ito ng pamilya Tantoco lalo’t pribadong tao ito.

Ang ibang kontrobersya na lumagablab ay kung kasama ni Tantoco sa oras ng kanyang kamatayan sina First Lady Liza Araneta Marcos at dalawang iba pa.

Sakop na ito ng Beverly police, hindi ng Coroner’s report, na nagsabi namang tampered o idinagdag lang ito at hindi bahagi ng kanilang ulat.

Dito na naging mahalaga ang unang panawagan ni Manang Imee na dapat magpaliwanag ang Malakanyang ukol dito at sa Beverly police lamang malalaman ang buong katotohanan.

Bilang reaksyon, mismong ang Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Konsulado ng Pilipinas ang kumilos at sinabi nga ng Beverly police na idinagdag lang ng iba na kasama ni Tantoco si First Lady at dalawang iba pa.

Noong una, itinuring lang ng iba na daldal lang ni Philippine Communications Office Undersecretary Claire Castro na walang koneksyon si FL Liza sa kamatayan ni Tantoco sa kawalan nito ng ipinakikitang kongkretong batayan ngunit naiba na ang lahat sa pagkakaroon na ng police report.

Para sa atin, ang pagdidiin ni Manang Imee na magpaliwanag nang tama ang Malakanyang ang naging susi para umaksyon ang Palasyo at nilinaw nga ng Beverly police na may tampering o dinagdagan ito ng iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here