MANILA, Philippines – Posibleng maging isang tropical depression sa susunod na 24 na oras ang low pressure area (LPA) na namonitor sa silangan ng Eastern Visayas.
Sa update ng PAGASA sa tropical cyclone formation nitong Lunes, Hulyo 21, ang sama ng panahon ay namataan 950 kilometro silangan hilagang silangan ng Eastern Visayas hanggang nitong alas-8 ng umaga.
Sinabi na ang LPA ay may “medium” chance na lumakas bilang isang tropical depression na magpapalakas na naman sa Southwest Monsoon o Habagat at makakaapekto sa bahagi ng Luzon at Visayas.
Inabisuhan ng PAGASA ang publiko at disaster response authorities na manatiling alerto at patuloy na magmonitor sa official weather bulletins. RNT/JGC