Home NATIONWIDE Mga evacuees pinaalalahanan ng DOH sa mga sakit ngayong tag-ulan

Mga evacuees pinaalalahanan ng DOH sa mga sakit ngayong tag-ulan

236
0

MANILA, Philippines – Mahigit 29,800 evacuees na ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa ibat-ibang evacuation centers sa Region I, II, III, MIMAROPA, V, VI, VII, IX, at CAR, batay sa datos ng DOH Health Emergency Alert Reporting System.

Muli namang nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa kahalagahan ng wastong paghuhugas ng kamay at kalinisan sa katawan, lalo na sa mga masisikip na evacuation sites.

Babala ng DOH—mas mabilis kumalat ang sakit tulad ng sipon, ubo, at diarrhea kapag siksikan at kulang sa sanitation ang lugar.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na maghugas bilang proteksyon sa sakit at dapat panatilihin ang kanilinisan para sa kaligtasan ng lahat.

Para sa mga karagdagang tips, bisitahin ang mga opisyal na social media page ng DOH.

Samantala, pinangunahan ng Pilipinas ang ASEAN Health Cluster 1 na nagsusulong ng mga hakbang tungo sa healthy lifestyle.

Ilan sa mga pinag-usapan ay mga proyekto at hakbang para palakasin ang:

– pag-iwas at pamamahala sa mga non-communicble disease

-pagtigil sa paggamit ng sigarilyo at labis na pag-inom ng alak

– pag-iwas sa mga injuries

– pangangalaga sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho (occupational health)

– pagtaguyod ng maayos na mental health

– paghikayat sa malusog na pagtanda

– pagtuturo ng tamang pagkain at balanced diet.

Layon ng pagpupulong na ito na siguruhin ang patuloy na pakikipagtulungan ng bawat bansa sa ASEAN sa mga prayoridad ng Health Cluster 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here