Home NATIONWIDE 12 national roads na isinara, binuksan na

12 national roads na isinara, binuksan na

246
0

MANILA, Philippines – Nananatili pa ring impassable o hindi madaanan ang ilang natinal road section matapos manalasa ang bagyong Crising na pinalakas ng Habagat.

Kabilang rito ang Kennon Road, Camp 6, Tuba, Benguet dahil sa pagguho ng lupa habang tatlong lugar naman ang limitado ang access sa mga motorista dahil sa pagtaas ng tubig, naputol na kalsada, at landslide.

Ito ay ang:

– Apayao (Calanasan)-Ilocos Norte Road, Tanglagan, Calanasan, Apayao

– Claveria-Calanasan-Flora-Lasam Road, Barangay Ninoy, Calanasan, Apayao

– Liloy-Siocon Road, Tubongon, Baliguian, Zamboanga del Norte

Dagdag pa ng DPWH na ang 12 national road section na isinara sa motorista dahil sa masamang panahon ang muli nang binuksan sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here