Home NATIONWIDE Kamara, 90-95% handa na sa ika-4 na SONA ni PBBM

Kamara, 90-95% handa na sa ika-4 na SONA ni PBBM

331
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Kamara na 90-95% nang handa para sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28 sa Batasang Pambansa, Quezon City.

Ayon kay House spokesperson Princess Abante, tuloy-tuloy ang paghahanda at walang aberya kahit may pag-ulan. Nakahanda rin ang contingency plans kung lalala ang panahon, ngunit walang plano ng pagpapaliban.

Final na ang seguridad at wala pang natukoy na banta. Inaasahang katulad ng nakaraang taon ang dami ng dadalo, na umabot sa higit 1,500 bisita.

Hinikayat ni Abante ang publiko na tutukan ang talumpati ng Pangulo sa iba’t ibang media at social media platforms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here