Home METRO P121.4M pekeng Apple products, nasabat sa P’que

P121.4M pekeng Apple products, nasabat sa P’que

249
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang suspek at nasabat ang ₱121.4 milyon na halaga ng pekeng Apple products sa Barangay Tambo, Parañaque City noong Hulyo 19.

Ayon kay CIDG acting chief Brig. Gen. Romeo Macapaz, kinilalang “Crissa” at “Charles” ang mga suspek na nahuling nagbebenta ng iPhone, Apple Watch, AirPods, at accessories nang walang clearance mula sa NTC at rehistro sa DTI, paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Nasamsam ang libo-libong gadgets, kabilang ang 225 Apple Watches, 4,580 AirPods, 6,664 charger sets, at iba pang accessories, pati isang unit ng iPhone 16.

Hinimok ni Macapaz ang publiko na i-report ang ilegal na gawain, at tiniyak na patuloy ang CIDG sa pagpapatupad ng batas laban sa mga pekeng produkto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here