MANILA, Philippines – Bunsod ng walang tigil na malakas na ulan, binaha ang ilang bahagi ng Marulas, Parada, at Maysan, Valenzuela City.

Umabot ang tubig-baha ng hanggang dibdib na taas, pasado alas-onse ng gabi nitong Lunes, Hulyo 21.
Naging pahirapan naman ang pag-rescue sa mga lumilikas, habang piniling lakarin ang baha ang ilang residente makauwi lang sa kani-kanilang pamilya. Val Leonardo






