MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang serbisyong medikal n DEpartment of Health (DOH) sa mga rehiyon matapos ang bagyong Crising at Habagat.
Ayon sa DOH, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Sec. Ted Herbosa sa mga Regional Directors ng DOH para matutukan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga evacuees at nasalanta ng bagyo.
Ilan sa mga serbisyong hatid ng DOH sa mga rehiyon:
✅️ Konsultasyon at libreng gamot sa mga evacuation centers
✅️ Pagsiguro ng suplay ng malinis at ligtas na tubig
✅️ Nutrition assessment para sa mga bata at sanggol
Para sa tulong-medikal, maaaring tumawag sa National Emergency Hotline 911, DOH Hotline 1555, o sa local emergency hotlines.
Samantala, muling nagpaalala ang DOH sa publiko laban sa mga sakit na maaring makuha sa panahon ng tag-ulan gaya ng leptospirosis, cholera at diarrhea.
Paalala ng DOH, agad komunsulta sa sandaling makaranas ng mga sintomas ng nabanggit na mga sakit na nakukuha sa maruming tubig o tubig baha. Jocelyn Tbaangcura-Domenden