Home NATIONWIDE Ugnayan ng Pilipinas sa US, China ‘di kailangang balansehin – PBBM

Ugnayan ng Pilipinas sa US, China ‘di kailangang balansehin – PBBM

321
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kailangang balansehin ang relasyon ng Pilipinas sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina habang nananatiling independent ang foreign policy ng Maynila.

”There is no need to balance our relationship between the United States and China. Our foreign policy is an independent one,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang joint press conference kasama si US counterpart Donald Trump sa White House, araw ng Martes.

Para naman kay Trump, tanggap nito ang foreign policy ng Pilipinas, sabay sabing suportado ng kanyang administrasyon ang ‘freedom to act’ ni Pangulong Marcos para makamit ang ‘best interest’ para sa Pilipinas.

“I don’t mind if he gets along with China, because we’re getting along with China very well,” ayon kay Trump.

“I think he has to do what’s right for his country. I’ve always said, you know, make the Philippines great again. Do whatever you need to do,” dagdag na wika nito.

Si Pangulong Marcos ay nagpunta sa Washington DC dahil na rin sa imbitasyon ni Trump.

Si Pangulong Marcos lamang ang maituturing na unang ASEAN leaders na inimbitahan ni Trump sa White House.

Ang Pangulo ay nanatili sa nasabing bansa mula Hulyo 20 hanggang 22 kung saan kung saan kasamang pinag-usapan ng dalawang lider ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ng US at Pilipinas at kasunod ng pagpapatupad ni Trump ng 20 percent na taripa sa mga produkto ng Pilipinas na dinadala sa US. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here