Home HOME BANNER STORY Torre kumasa sa hamon ni Baste na suntukan

Torre kumasa sa hamon ni Baste na suntukan

245
0

MANILA, Philippines – Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III nitong Miyerkules, Hulyo 23, ang hamon ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte na makipagsuntukan.

Ani Torre, maaari itong maging isang uri ng
“charity boxing match.”

“Ang una kong naisip, uy tamang-tama. Maraming kababayan natin ngayon ang nangangailangan ng tulong na naapektuhan ng bagyo at baha. Maybe, this is a very good time para sa isang charity boxing match,” sinabi pa ni Torre.

“We can do it on Sunday sa Araneta. Actually, puwede. Seriously, it’s okay. Maganda yan charity at least makatulong kami ni Mayor Baste sa ating mga kababayang nasalanta yung proceed kung ano man. Sigurado maraming manonood nyan,” dagdag pa niya.

Sa vlog na inupload sa YouTube noong Linggo, hinamon ni Duterte si Torre sa isang suntukan.

“Kasi matapang ka lang naman you have the position. Pero kung suntukan tayo alam kong makaya kita. But then  you’re a coward,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here