MANILA, Philippines – Nilinaw ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na hindi pa pinal at “subject to negotiations” ang 19% tariff sa produktong Pilipino na inanunsyo ni US President Donald Trump.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Romualdez na makikipagpulong ang US trade officials sa mga opisyal ng Pilipinas sa Manila sa mga susunod na araw para linawin at tapusin ang kasunduan.
“There’s still room for negotiations,” aniya. “We will clarify exactly what we need to finalize in our agreement,” dagdag pa niya.
Ang pahayag ay matapos batikusin ng ilang mambabatas ang 19%-0% tariff gap sa kasunduan na tinawag ni Pangulong Marcos na “makabuluhang tagumpay,” ngunit iginiit na hindi lahat ng US goods ay zero tariff. RNT