Home METRO Landslide naitala sa Baguio

Landslide naitala sa Baguio

313
0
(c) PIA Benguet

MANILA, Philippines – Naitala ang ilang pagguho ng lupa sa Baguio City dahil sa malakas na ulan mula sa bagyong Emong, Dante, at habagat.

Nagkaroon ng landslide sa slope protection project sa Barangay Apugan-Loakan, dahilan para lumikas ang anim na pamilya. Sa Barangay Pacdal, naapektuhan ang Liteng Elementary School, habang napinsala ang quarters ng mga manggagawa sa isang construction site sa Loakan Proper. May kalsada ring nabara ng pagguho sa Barangay Camp 7.

Nagbabala ang mga awtoridad ng posibleng pagbaha at landslide sa higit 3,000 barangay sa Bicol, Cagayan Valley, MIMAROPA, at Western Visayas, at 5,000 barangay sa Cordillera, Ilocos, CALABARZON, at Central Luzon. Sa Metro Manila, nasa 1,000 barangay ang nanganganib. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here