Home METRO 5 bayan sa OccMin lubog sa baha

5 bayan sa OccMin lubog sa baha

286
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang rescue operations sa Occidental Mindoro matapos lumubog sa baha ang limang bayan dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Dante at Emong.

Personal na binabantayan ni Governor Eduardo Gadiano ang operasyon mula sa command center.

Kabilang sa mga nailigtas ang ilang nakatatanda, gaya ng dalawang 87-anyos sa Barangay Balansay, Mamburao, at iba pa mula sa Barangay Tangkalan at Pinagturilan.

Higit 250 pamilya o mahigit 800 katao na ang nailikas. Nag-utos na ang gobernador ng preemptive evacuation at forced evacuation kung kinakailangan.

Pinakaapektado ang Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz, at Sablayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here