MANILA, Philippines – Iniulat ng Provincial Health Office (PHO) ng Surigao del Sur ang unang kaso ng monkeypox (mpox) sa probinsya, na siya ring ikatlong kumpirmadong kaso sa Caraga region.
Nagpakonsulta ang pasyente matapos makaranas ng mga sintomas gaya ng pantal, lagnat, pagkapagod, at pananakit ng lalamunan. Siya ay may history ng pagbiyahe sa lugar na may mpox case at agad na isinailalim sa isolation.
Natapos na ang contact tracing at minomonitor ang mga nakasalamuha.
Pinayuhan ang publiko na manatiling kalmado, sumunod sa health protocols, at agad mag-report ng sintomas. Tiniyak ng PHO na may mga hakbang na ginagawa para makontrol ang pagkalat ng sakit sa tulong ng DOH. RNT