Home METRO Hospital, health centers sa Metro Manila inispeksyon ng DOH

Hospital, health centers sa Metro Manila inispeksyon ng DOH

263
0

MANILA, Philippines – Umikot si Health Secretary Ted Herbosa sa mga hospital at health centers sa Metro Manila upang masiguro ang kahandaan nito sa gitna ng pananalasa ng masamang panahon at state of calamity.

Personal na binisita ni Herbosa ang Tondo Medical Center upang tiyakin ang kahandaan ng ospital at kinumusta ang mga health workers at pasyente.

Bahagi ito ng pinaigting na monitorng ng DOH para masigurong tulo-tuloy, ligtas at dekalidad ang serbisyong medikal sa kabila ng patuloy na pag-ulan at pagdami ng mga kaso ng waterbonre diseases.

Pinuntahan din ng kalihim ang Smokey Mountain Health Center para tiyakin na ang mga primary care facilities gaya ng mga health centers ay handang tumguon sa mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga Pilipino sa gitna ng kalamidad.

Pagtitiyak ni Herbosa, nakahanda ang lahatng hospital kabilang ag medical personnel, mga gamot at supply ng kuryente kahot magkaroon ng aberya sa tulong ng Deparment of Energy para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo sa mga nagkakasakit at nagpapakunsulta.

Sa East Avenue Medical Center, nagbigay ang hospital ng dormitoryo para sa mga nars upang hindi sila mahirapan sa pagpasok at pag-uwi ngayong masama ang lagay ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here